Mayon Volcano
Ano nga ang Mayon Volcano? Saan nga ba natin ito matatagpuan? Isa nga ba ito sa magagandang puntahan? Ano nga ba ang halaga ng paglalakbay? May maitutulong ba ito sa atin? Halina sa Pilipinas at tayo ay maglalakbay. Puntahan natin ang ipinagmamalaki ng ating sariling bansa. Tara na, tara na sa Albay. Halina at maglakbay dito. Tanawin ang isa sa mga pinakamagandang tanawin, ang Mayon Volcano. Mayon Volcano na ipinagmamalaki ng bansang Pilipinas. Mga turista na nanggagaling pa sa iba't ibang parte ng mundo upang dumayo sa Pilipinas at puntahan ang Mayon Volcano. Sa ating paglalakbay ay hindi lamang basta pagliliwaliw. Syempre, kasama na rito ang mga impormasyon na maari nating makalap at ibahagi sa iba. Ito ang napili kong puntahan kasi isa ito sa ipinagmamalaki ng ating bansa. Nais ko talagang makarating dito upang mas lalo ko pang mapagmasdan ang kagandahan na inaambag nito sa ating bansa.